ABS-CBN’s “Kailangan Ko’y Ikaw” wins in TV ratings!

Pilot episode pa lang ng teleseryeng “Kailangan Ko’y Ikaw” na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Anne Curtis at Robin Padilla, namayagpag na agad ito sa ratings game.

Kris+Aquino,+Robin+Padilla,+and+Anne+Curtis

Patunay dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media noong Lunes (Enero 21) kung kailan humataw ang “Kailangan Ko’y Ikaw” ng 23.6% national TV ratings, o anim na puntos na lamang kumapara sa katapat nitong serye sa GMA na “Temptation of Wife” na nakakuha lamang ng 17.5%

Sa pagsisimula ng kwento nina Roxanne (Kris), Ruth (Anne), at Bogs (Robin), paano pag-uugnayin ng tadhana ang kanilang mga buhay? Magkakasira nga ba ang samahan ng magkapatid na Roxanne at Ruth dahil lamang sa iisang lalaki?

Huwag palampasin ang teleseryeng kailangang tutukan ng buong sambayanan, “Kailangan Ko’y Ikaw,” gabi-gabi, 9pm, pagkatapos ng “Ina Kapatid Anak” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*