“My Husband’s Lover” cast and characters!

Paano kung malaman mong ang iyong asawa ay may minamahal na kabaro niya? 
 
Magpaparaya ka ba? 
 
O, ipaglalaban mo sya?
 
MHL
Cast and Chatacters:
Dennis-Trillo-as-Eric
Dennis Trillo (Eric) – Nagmahal at minahal, ngunit dahil sa isang ‘di inaasahang pangyayari ay kinailangan mangibang-bansa. Sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas, nais niya ring ibalik ang pagmamahalang noon ay naudlot. Pero ano ang gagawin niya kung ang lalaking minahal ay may asawa na?
Carla-Abellana-as-Lally
Carla Abellana (Lally) – Isang simpleng housewife na gusto lang ang makabubuti sa kaniyang pamilya. Malapit sa kaniyang ina, at gagawin ang lahat ng hilingin sa kaniya nito–maliban ang pagbawalan ang kaniyang puso na magmahal.
Tom-Rodriguez-as-Vincent
Tom Rodriguez (Vincent) – Nang iwan ng taong minamahal, tinalikuran ni Vincent ang tunay niyang pagkatao–at ibinuhos ang sarili para paibigin ang babaeng nagpangiti sa kaniyang muli. Ngunit hanggang kailan niya maitatago ang tunay na sinisigaw ng kaniyang puso?
Abangan ang kapana-panabik at mapangahas na kuwento ng “My Husband’s Lover” mag-uumpisa na ngayong gabi pagkatapos ng “Mundo Mo’y Akin” sa GMA-7.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*