Coco Martin on Julia Montes: “Mas lumalalim ang tinginan namin bilang magkaibigan.”!

Coco Martin and Julia Montes is currently working together in the up-coming indie film “Padre de Familia” a reunion of sorts for the m after working in the top-rated teleserye “Walang Hanggan.”

CocoMartinJuliaMontes

On courting Julia:

“‘Hindi ko siya [masabing ligaw]. Honestly kasi, hindi ako ‘yung ganoong klaseng artista na kailangan kong ligawan at pormahan ang katrabaho.”

“Gusto ko kasi na kung magkatrabaho tayo ay matapos ‘yung trabaho ito na, mataas ang respeto mo sa akin kasi sinuportahan kita na hindi kita pinopormahan o nililigawan.”

On entering into relationship with a co-actor:

“Honestly kasi natatakot ako. Alam naman kasi nating lahat na kapag pumasok ka sa isang relasyon, bibihira ‘yung natatapos na maganda, at ‘yun ang iniiwasan ko,” he said. “Sabi ko nga, kung tatanungin ako gusto kong magka-girlfriend ng non-showbiz kasi alam natin kung gaano ka-complicated ang trabaho natin.”

“Ako seloso ako, ma-partner lang ‘yan sa iba, away na ‘yan, problema na ‘yan.”

If ever he will court Julia:

“Kung halimbawa dumating talaga, siyempre nagkakatrabaho kami, mas nakikilala namin ang isa’t isa. Ang ikinaganda ngayon ay mas lumalalim ang tinginan namin bilang magkaibigan.

“Siyempre tao lang naman ako, kung makita ko sa kanya talaga ‘yung lola ko, ‘yun na yon. May ganoon eh, siyempre lumaki ako sa lola ko.”

So, magkaibigan pa lang sila!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Speak Your Mind

*