Jackie Rice, a scheming mistress, in the movie “Kamkam”!

Jackie Rice is back on the big screen via the up-coming movie “Kamkam” and will prove critics that she can act!

 

allen-and-jackie
She went to star in lead role in GMA-7′s “Sisid” and Jackie said she heard a lot of bad critics on her acting, “lagi akong nasasabihan na maganda lang pero walang talent.”

This does nit deter her to do better on her craft:

“Masakit (It’s painful) but I want to prove myself. Hindi ko na kasi goal ang fame, gusto ko gumaling as an actress. Nandiyan ang detractors para i-prove ng mga katulad ko na ang talent napapag-aralan.”
In the movie Kamkam she plays a role of a scheming mistress and her father and boyfriend did not like it:
“When I let my dad watch the uncut version of the film, he said, ‘I don’t like seeing you like this.’ Hindi siya Masaya sa ginawa ko and hindi kami nag-usap. Same din sa boyfriend ko. Sa kanya naman hindi ‘yung film eh, ‘yung love scene ‘yung ayaw niya.”
But she wants to prove that she can act and is no longer a teenager in this movie.

Lovi Poe and Jackie Rice are rape victims in “Magpakailanman”!

This Saturday on Magpakailanman, Lovi Poe and Jackie Rice will play the role of Elsa and Vivian, bestfriends who are both rape victims.
Ngayong Sabado (March 2), inihahandog ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay ni Elsa De Guzman, ang babaeng simple lang ang pangarap sa buhay – ang iahon ang pamilya sa kahirapan – ngunit mababago ang lahat sa isang malagim na insidente.
 Lovi+Poe+and+Jackie+Rice
High school lang ang tinapos ni Elsa kaya limited ang mga trabahong pwede niyang pasukin. Sinubukan niyang maging katulong, ngunit hindi rin nagtagal ay iniwan niya ang trabahong ito para mamasukan bilang kahera sa isang pizza parlor. Dito niya naging matalik na kaibigan si Vivian.
Salta lang si Elsa sa bayan kung saan nagta-trabaho at para makatipid ay nakitira siya sa apartment ni Vivian. Maayos ang samahan ng dalawa. Tahimik ang kanilang pamumuhay na umiikot sa trabaho at pag-iipon. Magbabago lang ito nang isang gabi, may kaibigan si Vivian na magyayaya sa kaniyang birthday party.
Yayayain ni Vivian si Elsa na sumama at dahil ayaw mapag-isa ni Elsa, sasama naman ito. Hindi alam ng dalawa na ang party na pupuntahan ang magbabago ng buhay nilang magkaibigan.
Dahil matagal nang hindi lumalabas, itotodo ni Vivian ang pagpa-party – na siya namang hindi magawa ni Elsa lalo pa’t wala itong kakilala sa party. Nang gabihin na at nang mapansin na lasing na si Vivian, yayayain na ito ni Elsa umuwi. Papayag naman si Vivian, pero nang lumabas sila ng bahay ay mahihirapan silang makahanap ng masasakyan pauwi.
May tatlong lalaking mag-aalok sa kanila ng hatid pauwi. Mag-aalangan ang magkaibigan, ngunit nang makita na hindi lang sila ang ihahatid pauwi, mapapapayag na rin silang sumama. Isa-isang ihahatid ng kalalakihan ang mga kasama nilang babae, hanggang sina Elsa at Vivian na lang ang naiwan.
Kakabahan ang magkaibigan at magtatangka nang bumaba, pero hindi papayag ang mga binata. Sisikmuraan sila ng mga ito at haharangan ang pintuan ng van na sinasakyan. Dadalhin ng mga ito ang van sa liblib na lugar kung saan gagahasin sila ng tatlong binata.
Manlalaban sina Elsa at Vivian sa mga ito, pero wala silang laban sa mga lalake. Nang matapos ang kahalayan, itatapon ng mga ito ang dalawang dalaga ng hubo’t-hubad palabas ng sasakyan. Bago tuluyang umalis, pagbabantaan ng mga lalake ang dalawang babae na ‘wag magsusumbong kahit kanino—dahil babalikan nila ang mga ito.
Manlulumo sina Elsa at Vivian sa nangyari sa kanila. Pagkabalik sa apartment, magkukulong ang dalawa at hindi kakausap ng kahit sino. Matatauhan lang sila nang magsabi ang ina ni Vivian na babalik na ito sa apartment. Mapipilitan si Elsa na iwan na ang kaibigan at umuwi na rin sa sariling pamilya.
Walang pagsasabihan ang magkaibigan tungkol sa nangyari sa kanila. Makakahanap ng bagong trabaho si Elsa at doon ibubuhos ang lahat ng oras para hindi maalala ang mga nangyari sa kaniya. Ngunit laking gulat at laking takot niya nang mapansin na unti-unti siyang lumalaki at nagkakaroon ng morning sickness.
Malalaman ni Elsa na nagdadalang-tao na siya. Sa pagdiskubre ng kaniyang kalagayan, kakamustahin niya ang lagay ni Vivian at malalaman na pareho sila ng lagay. Hihikayatin ni Elsa si Vivian na gumawa na sila ng aksyon, pero takot pa rin ang kaibigan niya sa mga lalakeng humalay sa kanila.
Dahil kailangan ng suporta, pupuntahan ni Elsa si Vivian sa apartment nito. Pero ang naabutan na lang ni Elsa ay ang ina ng kaibigan. Malalaman nitong nagpakamatay na si Vivian.
Hindi maintindihan ng ina ni Vivian ang ginawa ng anak, kaya napilitan na si Elsa na aminin ang totoong nangyari sa kanila. Hihikayatin rin siya ng ina ng kaibigan na magtapat na sa pamilya.
Magagawa bang aminin ni Elsa sa ina ang totoong nangyari sa kaniya? Paano niya ito sasabihin gayong hindi maganda ang kanilang relasyon sa isa’t-isa?
Paano na lang kung malagay sa peligro ang dinadala ni Elsa sa kaniyang sinapupunan? Gagawin ba niyang ipaligtas pa ito sa mga doctor, o hahayaan na lang niyang mawala ang bunga ng pangwa-walanghiya sa kaniya?
Itinatampok sina Lovi Poe, Jackie Rice at Victor Aliwalas, at mula sa direksyon ni Laurice Guillen sundan ang kuwento ni Elsa de Guzman, at alamin kung paano niya hinarap ang matitinding pagsubok sa kaniyang buhay – ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA-7.

 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...